UMALIS si Axel para asikasuhin ang tungkol sa pinsan ni Mary Anne. Naiwan ako kasama si Angela at si Peter na mukhang nahihiya pa sa akin. "I'll prepare some snacks—" "No, Maam! I'm fine. I was instructed not to disturb you," sabi nito dahilan para mapatanga ako sa kanya. Napatayo pa si Peter mula sa upuan. Agad din naman akong nakabawi kaya tumango ako sa kanya. "Just feel at home. If you get thirsty or hungry, you can check the fridge. Okay lang," I smiled. He nodded and sat down again. "Angela, samahan mo ko sa taas," yaya ko at kinawayan si Angela. "Peter, dito ka muna, ha? Magpapahinga ako sa taas." "Sure, Maam!" Sinama ko sa taas si Angela at doon ko pinanuod ng favorite niyang movie sa malaking TV screen. "Dito ka tabi sa 'kin. Nahihiya ka pa?" I chuckled. Sa dulong kama