PUTING kisame ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mga mata. Ang huling natatandaan ko lang ay iyong sinisilip ko si Axel kasama iyong pinsan ni Mary Anne na nag-eskandalo na sa labas. I was scared and embarrassed again. Maraming tao ang nakakita sa ginawa nitong pangugulo. Umungol ako at medyo masakit ang ulo. Kinabahan ako ng pasadahan ang kwarto at wala akong kasama. Nasa hospital pa yata ako dahil sa itsura nang kwarto ko. Puro puti at may ilang gamit. Halata pang nakahiga ako sa hospital bed. "A-axel?" mahina kong sambit. Hinahanap ko 'yong cellphone ko pero hindi ko makita sa ibabaw ng drawer. Marahan akong bumangon at doon bumukas ang pinto. Magulo ang buhok at nag-aalala ang mukha niya nang makita ko. Katulad pa rin ang damit niya sa nakita ko sa kanya. Ibig sabihin kanina lang i