Napalunok si Maya nang matapos magbayad ang kanyang nobyo sa receptionist ng hotel at binigyan na ito ng susi ng magiging kuwarto nila. Nanginginig man ang katawan niya sa kaba ay wala pa rin siyang balak na mag back out. Buo na ang desisyon niya. Ibibigay niya ang pagkakababae kay Daniel. "Maya, pwede pang magbago ang isip mo. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo," masuyong sabi ng nobyo nang makalapit sa kanya. Umiling siya. "Daniel, handa na ako na gawin natin ito." Hinawakan niya ito sa pisngi. Hinuli naman nito ang kamay niya at hinagkan. Pagkatapos ay masuyo na siya nitong hinila nito. Narating nila ang numero ng kanilang motel room. Disente naman ang nasa loob. Malinis. May nakahanda ng tuwalya at sabon sa side table. Aircon. May pahabang salamin sa tapat ng kama. Pinatay ng nobyo