Tuliro si Maya habang nakatingin sa labas ng glass wall. Wala naman siyang partikular na tinitingnan dahil lumilipad ang kanyang utak. Nasa isang hotel siya. Kasama niya si Stella at ang isa pang lalake na nagpakilala sa pangalan Singh. May hitsura ang naturang lalake pero hindi mapagkakaila na nasa edad singkwenta na. Patunay ang malaki nitong tyan at ang mga lumilitaw na puting buhok nito. Sa tingin niya ay may lahing bombay ito. Binayaran din ito para sa eksenang gustong ipagawa ni Stella. Eksena? Yes, Nagmistulang ito isang movie director na minamanduan sila kung ano ang gagawin. Nakatapis na lang siya ng tuwalya habang si Amir ay nakahubad na rin ang pang-itaas na damit nito. Abot-abot ang pakiusap niya huwag siyang ganap na paghubarin nito dahil hindi niya kaya. Mabuti na lang at su