Alas-dos na nang madaling araw ngunit sa halip na matulog ay nag-e-empake si Maya ng damit. Doon muna sila sa mansyon ng ama hangga't hindi pa nadadakip si Stella. Si Daniel ang tao na gusto talagang nakabukod ngunit dahil nga sa nangyari ay gusto rin nitong sigaruduhin ang kaligtasan nila. Secure kasi doon sa mansyon bukod sa napapalibutan ng CCTV ang buong paligid ay marami pang mga bodyguards. Mataas rin ang bakod na halos kalahati lang ng matayog na mansyon ang makikita sa labas. Hindi niya alam kung kailan siya makakatakas sa mga problema na dulot ni Stella. Sa unang pagkakataon sa buong buhay niya ay pumasok na sa utak niya na siya na mismo ang papatay sa babae para matuldukan na ang lahat. Ayaw niyang mamuhay ng puno ng takot at pangamba. Gusto niya ang na may katiwasayan pero hin