Malalim na napabuntong-hininga si Esmeralda Alvarez habang hawak ang Bank Passbook na konti na lang ang natirang pera. Napasugod siya sa Maynila dahil sa mga nangyari. Noon pa niya sinasabi sa asawa na tahimik na lang sana maninirahan sa kanilang Hacienda. Pero hindi nito maiwan ang negosyo. He craves for more power. Hindi ito nakontento. Halaos hindi na nga niya makita ang sarili bilang asawa nito. Sa buong pagsasama nila bilang mag-asawa ay wala na siyang ginawa kundi ang pagsilbihan ito at si Stella. Kung ituring siya ng dalawa ay mistulang katulong na dapat na maging sunod-sunuran dahil hindi raw siya magiging Donya Esmeralda kung hindi dahil sa yaman ng mga ito. Hindi yaman ang habol niya kay Arthuro. Totoong minahal niya ito maging ang anak nito. Itinuring niya na parang siya ang n