“Uuwi na ‘ko, Kuya!” Isinilip lang ni Simon ang ulo sa pintuan at hindi na ginawa pang pumasok sa loob ng opisina ni Marcus. “What? Uuwi ka na hindi pa nga tumutunog ang bell?” hindi makapaniwalang tanong ni Marcus sa kapatid. “It’s already 4:59pm, 50 seconds na lang para mag 5:00pm, bago pa ako dumating sa bundy clock ay siguradong tutunog na ‘yon. Approximately 5pm and 30 seconds ang oras na makakapag-out ako. Pero, since kinakausap mo pa ako at nagpapaliwanag ako sa’yo ngayon, for sure overtime na ako ng 2 minutes nito. I need to go, sa bahay na lang tayo mag-usap dahil baka madagdagan pa ang overtime ko.” Inilabas na nito ang ulo at isinara ang pinto. Marami pa sanang gustong sabihin si Marcus sa kapatid kaya lang ay nilayasan na siya nito. Natampal na lamang niya ang sariling noo