Naglalakad si Marcus nang madaanan niya sa gazebo si Selena at Liam. Hindi siya pansin ng dalawa dahil nakatalikod ang posisyon ng pagkakaupo ng mga ito sa kaniya. Nagdo-drawing si Liam, samantalang si Selena ay abala sa kaniyang cellphone. Didiretso na sana siya ng lakad ngunit napaatras siya pabalik ng marinig niyang nag-uusap ang dalawa. "What are you looking in there, Selena?" tanong ni Liam, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito masanay na tawagin na mommy si Selena, kaya hindi na niya ipinagpilitan. Gusto niya ay ito ang kusang tumawag sa kaniya ng mommy na hindi niya kailangang idikta. Sumilip si Liam sa hawak na cellphone ni Selena. "Ah, ito ba? Nadaan lang sa newsfeed ko, parang ang sarap, chocolate cake, imported ang mga chocolate na ginamit." Ipinakita ni Selena ang larawan kay