“Ma’am Selena, may gwapo sa labas!” humahangos na salubong sa kaniya ni Dina, kasama nito si Leni at ang dalawa ay tila ba mga uod na binuhusan ng asin sa sobrang kilig. “Huh! Sinong gwapo? Si John ba ang tinutukoy ninyo?” “Hindi Ma’am, mas gwapo pa kay Sir John nang 100 times,” sagot ni Leni. “Ma’am, nabuhay na naman ang katawang lupa ko. Ang gwapo-gwapo niya, matangkad, matcho, moreno, lalaking-lalaki talaga ang dating.” Kilig na kilig si Dina. “Sino ba kasi ‘yon?” yamot na tanong niya. Hindi niya mawari kung ano ba ang nangayayari sa dalawang ito na akala mo nakakita ng artista. “Selena! I’m so happy to see you again!” Napalingon si Selena sa bagong dating. Napaawang ang bibig niya pagkakita sa pamilyar na lalake, may dala itong maleta at may sukbit na bag sa balikat, binitawan ni