Araw ng Linggo. Maaga pa lang ay umalis na si Marcus para mag-golf kasama ang mga kaibigan. Wala na ito sa bahay ng magising si Selena. Nasanay na lamang siya sa ganuong set up nila. Sa guest room na natutulog si Marcus. Parang katulad pa rin naman ng dati ang kalagayan niya sa mansiyon. Hindi naman asawa ang turing sa kaniya ni Marcus. “Ma’am Selena, may bwisita sa labas!” salubong na balita sa kaniya ni Dina. “Huh! Sino?” kunot noong tanong niya. “Sino pa eh ‘di ang bruhang si Ma’am Charlene.” “Bakit nandito ‘yon, hindi ba siya sinabihan ni Marcus na aalis siya at wala siya sa bahay ngayon?” Nagkibit balikat si Dina. “Ewan ko Ma’am, bakit ako ang tinatanong mo ikaw ang asawa?” “Teka lang, parang may napapansin ako. Ayos lang ba ang relasyon ninyo ni Sir? Hindi ko kasi nakikita na s