Bago pa umalis si Marcus kasama si Liam at Selena pabalik ng Maynila ay na-corner siya ng kinaiinisang brother-in law. "What's the matter with you?" asar na tanong niya rito dahil sa bawat hakbang niya ay hinaharangan nito ang kaniyang dinaraanan. "Hindi dahil may ginawa kang maganda sa pamilya ko ay tinatanggap na kita bilang asawa ng kapatid ko. Don't forget, I'm still here watching you, Marcus McGregor! One wrong move and you'll be out of the picture," seryosong sabi ni Juan. Ngumisi siya at binalewala ang pagbabanta nito. "Wala ka ng magagawa pa, Juan, kasal na kami ni Selena. Just accept the fact na brother in law mo na ako at parte na ako ng pamilya ninyo." "Tsh! Hindi ako kumbinsido, parang may hindi tama. Hindi pa lang ako sigurado kung ano iyon, pero kapag nalaman ko ay human