"Ouch!" malakas na daing ni Marcus, pagmulat pa lamang ng kaniyang mga mata ay nakaramdaman na agad siya ng pananakit ng ulo. Napabangon siya at naupo habang sinasapo ito. Naalala niyang nalasing nga pala siya ng husto kagabi, kaya lang ang ipinagtataka niya ay hindi naman dala ng hang over ang sakit ng ulo na nararamdaman niya, hindi nanggagaling sa loob ang sakit kung hindi sa labas. May mga parte sa ulo niya na kapag hinawakan ay makirot. "Aray!" malakas na hiyaw niya. Parang may nakapa pa siyang malaking bukol sa kaniyang bunbunan. "Mabuti naman at gising ka na!" Napaigtad siya sa gulat at muntik pang mahulog sa kama ng bigla na lamang may nagsalita. Agad siyang napalingon sa pinto. Nabigla siya ng makitang nakatayo sa harapan niyon si Selena. Hindi niya alam kung kailan pa ba ito