Chapter 99

1625 Words

Hindi dalawin ng antok si Marcus kahit pa maganda at komportable ang kaniyang kwartong tinutulugan. Nasa guest room siya ng mansiyon ng mga Lagdameo, samantalang ang anak na si Liam ay natutulog kasama si Selena sa silid nito. Lumabas siya ng kwarto, gusto niyang magpahangin, may malawak na terrace sa ikalawang palapag ng bahay at doon ang tungo niya. Habang naglalakad ay may naulinigan siyang mga kaluskos na nagmumula sa terrace, na-curious siyang lumapit para alamin kung ano ang ingay na iyon. Ilang hakbang na lang ay naroon na siya ngunit, hindi niya inaasahan ang makikita, dali-dali siyang napaatras at pumihit patalikod, ngunit huli na ang lahat dahil nakita na siya ni Juan. Mag-isa itong nag-iinom doon. Ang totoo ay hindi pa siya handa na harapin ito. Hindi pa siya handa na humingi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD