Chapter 102

1447 Words

Hindi maipinta ang mukha ni Simon, samantalang si Marcus naman ay abot hanggang batok ang ngiti habang kumakaway sa papalayong kapatid. Sinadya niyang ihatid ito sa airport para masiguradong aalis talaga ito ng bansa at hindi susuwayin ang utos niya. "Sir, bakit naman si Sir Simon ang ipinadala mo sa America, ako dapat 'yon, nangako ka sa akin 'di ba?" kakamot-kamot ang ulo na sabi ni John. Dismayado siya sa biglaang pagbabago ng desisyon ng kaniyang boss. "Mas kailangan kita rito kaysa sa lalaking 'yon, tama lang na siya ang umalis dahil sagabal siya sa buhay ko," seryosong wika ni Marcus, na hindi nililingon ang kaniyang assistant, nakatutok ang tingin niya sa kapatid. Hindi siya kampante, kailangang makasigurado siyang nakasakay na ito sa eroplano bago niya lisanin ang airport. Si Jo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD