"A-aalis na ako, may pupuntahan pa nga pala akong importante." Binaklas ni Selena ang mga kamay ni Marcus na nakayakap sa kaniyang bewang. Ewan ba niya, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa pagdidikit na iyon ng kanilang mga katawan. Hindi naman inaasahan ni Marcus na gagawin iyon ni Selena, bigla itong nakawala sa mga bisig niya at namalayan na lamang niya na nakalabas na ito ng kaniyang opisina. "F*ck!" bulalas niya na natampal pa ang sariling noo at pagkatapos ay naipatong ang mga kamay sa kaniyang bewang sa labis na dismaya sabay buntong hininga ng malalim. Nagtataka siya kung bakit ba lagi na lang mailap sa kaniya ang asawa? Hindi ito komportable kapag siya ang kasama. Nagmamadali niyang kinuha ang kaniyang cellphone at susi ng sasakyan sa ibabaw ng kaniyang working