Chapter 104*

1802 Words

"Ay, naku po!" bulalas ng babaeng empleyado ng MMG Global Vision Marketing Corporation, napatutop pa ito sa sariling bibig sa labis na pagkabigla. Tila ba may sariling isip ang kaniyang mga paa, kusa itong tumigil at nagpreno. Ang paghakbang na sana ay gagawin nito para makapasok sa loob ng nakabukas na elevator ay napurnada dahil sa hindi inaasahang makita. Dahil sa ginawa nitong paghinto ay bumangga sa likuran nito ang dalawa nitong kasama na walang malay sa nagaganap, abala rin kasi ang mga ito sa pag-uusap. "Ay, ano ba 'yan, Daisy! Nakakagulat ka naman! Bakit ka ba napasi—" hindi na naituloy ng kasama nito ang sana ay sasabihin. Nang sa pagbaling ng tingin nito sa loob, maging ito man ay nanlaki ang mga mata. Pati ang isa pa na nakasunod na kasama nila ay tila ba naging tuod at hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD