Niyakap din pabalik ni Katherine ang anak na mukha namang naiintindihan ang kanyang sentimyento kung bakit niya inilihim ang lahat noong nawalan ito ng alaala pero napakalas siya bigla nang marinig ang binulong nito. "Gusto kong makilala ang aking ama," usal ni Katarina sa ina. Mabilis itong napatingin sa kanya na tila gulat na gulat sa kanyang sinabi. "For now ay sasama muna ako kay Reden, gusto ko kasing makita si Nanay Estrella," ani Katarina sa ina. Hindi pa fully nabalik ang kanyang memorya hinggil sa kanyang nakaraan baka kapag nakita niya ito ay mas mapabilis ang pagbabalik ng kanyang alaala. "P-Pwede ba akong sumama?" maang na saad ni Katherine nang magtinginan sina Katarina at Reden. Bagay na kinakabog naman ng dibdib ng una. Inakala tuloy ni Katherine na ayaw ng anak na su