Kinabukasan ay nagising si Chris nang makarinig ng ingay mula sa sala. Lalo pang napakunot ng noo nang marinig ang tugtog. Napasapo siya sa ulo dahil inaantok pa siya, nag-uumaga na kasi siya ng makuha ang kaniyang tulog. Muling nagtalukbong nang makarinig siya ng ilang katok sa kaniyang pintuhan. Mas lalong tinakpan ang tainga hanggang sa marinig ang pagbukas ng kaniyang pintuhan at maya-maya ay naramdaman ang pagkapa sa kaniya. "Mamaya na," usal niya saka muling natulog. Muling kumapa ang kamay sa kaniya. "Maine, mamaya na," aniya na nakapikit pa rin ang mga mata. Narinig na mapahagikgik ang kasama sa silid. Ang marinig ang bulungan ay nakumpirma kung sino ang mga kasama. "Tiyang, Tita Bonie, ano na naman ang ginagawa niyo dito?" tinatamad na wika habang pikit pa rin ang kaniyang mg