Kabanata 22

200 Words
Wala rin naman ng masiyadong mga tao sa paligid sapagkat mga bandang alas tres pa lamang iyon ng madaling araw. Marahil ang mga iba ay nagpapahinga na at nakauwi na mula sa kanilang trabaho. ‘Ting!’ mahinang tunog ng elevator ng makarating na ito sa basement. Awtomatiko itong bumukas ay kaagad na ring naglakad palabas si Hariet. Madilim pa ang paligid at halatang medyo tahimik ang kalsada sa labas sa pakunti-kunting pagdaan ng iilang mga sasakyan na marahil ay may early appointments. Pinindot niya ang power button sa car key na hawak niya at kaagad na umilaw ang ang isang itim na kotse sa may dulo ng parkingan. Tugmang-tugma ito sa sulat na nabasa niya mula sa kanyang nanay-nanayan. Naglakad siya papunta rito at mabilis na pumasok. Mabuti na lamang at kahit papaano ay isinabay siyang pinatutor sa pagmamaneho ng sasakyan kasama ng kanyang Ate Levisha. Sa katunayan ay may lisensya na siya sa pagmamaneho though hindi pa talaga siya ganoon kabihasa since wala naman siyang sariling sasakyan na minamaneho. Hindi kagaya ng kanyang nakatatandang kapatid na halos meron na nag lahat. Palagi kasing argumento ni Mrs. Fernillo na masiyado pa raw bata si Hariet para magkaroon ng sariling sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD