At ayun na nga… nagsimula na siyang naglakad papaalis dala ang kung anong tinik ng lungkot at paghihinayang sa kanyang dibdib.
Kahit sino naman ay hindi maitatanggi ang sobrang kagwapuhan ng binatang kanya lamang pinakasalan kaninang umaga. Idagdag mo pa ang matino at mala-Adonis nitong pangangatawan.
Ngunit higit pa man sa pisikal na kaanyuan, hindi maitatangging isa rin itong marespetong lalaki sa kabila ng pagiging pilyo at playful nitong personalidad. Hindi niya siya pinilit na isuko ang kanyang katawan sa pinakaunang gabi nilang mag-asawa. Rinespeto niya ang hindi pa pagiging handa ni Hariet at hindi siya nagmadali. At kusa niya ring ibinigay ang king size na kama sa dalaga at mas piniling matulog sa sofa eh kung tutuusin ay hindi pa nito nagagawang matulog sa isang sofa sa tanang buhay niya.
Well, Maxen Rocco El Cuangco was in no doubt one of the richest bachelor in the city. Sino pa ba ang magmamana sa yaman at karangyaan ng kanilang conglomerate family kundi siya lamang na kaisa-isang buhay na apo ng mga El Cuangco.
Dala ang mabigat na damdamin, ay maingat na pinihit ni Hariet ang pintuan at tsaka lumabas.
At kagaya ng utos ng kanyang stepmother sa pamamagitan ng babaeng pumasok kanina sa kanilang kwarto na nakasuot ng uniporme ng mga empleyado ng hotel rin yaon, diretso niyang pinindot ang basement floor sa may elevator.