Kabanata 23

273 Words
Kinabig na ni Hariet ang brake at tsaka humarurot papalabas ng parking lot. Hindi naman siya gaanog binigyan ng pansin ng nagrorondang security guard na noo’y halatang inaantok na rin. Marahil ay ito ang naiwan para sa whole night shift ng pagbabantay sa establisyimento.   Hindi lubos mawari ng dalaga kung bakit tila ba naninikip ang kanyang dibdib habang papalayo ng papalayo siya sa gusali ng five-star hotel na tinuluyan nila upang sana mag-honeymoon, na obviously ay hindi nila maayos na naisagawa sapagkat masiyadong maunawain ang lalaki sa kanyang hindi pa pagiging handa. May kung anong mainit na ngiti ang namumuo na lamang sa kanyang mga labi kapag naiisip ito.   Ngunit hindi rin nagtagal ay awtomatikong nabura ang mga ngiting ito nang muling unugong sa kanyang isipan ang liham na ipinadala ng kanyang nanay-nanayan.   “Go home right now and leave Maxen El Cuangco alone. Sneak into the basement at may itim na sasakyan na naka-park doon. Gamitin mo ito para umuwi. I will explain everything here. Be a good daughter and follow mom…”   Hindi niya lubos maintindihan ang winika ng ina sapagkat tila ba contradicting ito sa sinabi nito this morning sa garden na saluhin ang kanyang nakatatandang kapatid na si Levisha sa pagpapakasal ng araw ring yaon.   Bakit tila yata hindi magkatugma ang mg utos ng kanyang ina? Hindi niya maiwasang mapakunot-noo.   Kahit na litong-lito ay pinakalma nito ang kanyag diwa. Malaki ang tiwala niya na siya’y bibigyang linaw pagkarating niya sa kanilang bahay.   Ngunit ang hindi niya inaasahan…   …   …   …   Hindi na pala siya makakabalik sa mansiyong, sa loob ng halos dalawang dekada, ay itinuring na niyang kanyang tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD