Nasa kalagitnaan na siya ng medyo madilim na parte ng kalsada kung saan walang mga bahay na nakatirik sa mga gilid-gilid, at limitadong mga street light post lang ang mayroon… ay naramdaman niya ang tila ba pag-lose ng brake. Animo’y may kung anong kable or turnilo ang Nawala o lumuwang sa ilalim nito.
Maging ang padyakan ng preno ay biglang naging mahirap ng tapakan, dahilan upang siya’y mataranta.
“Gosh! Ano ng gagawin ko?!” nininerbyos niyang winika sa sarili. Hindi siya ganoon kahasa sa pagmamaneho, at lalung-lalong hindi siya ganoon maalam patungkol sa mga makinarya ng sasakyan.
She become more and more frantic in every seconds that pass. Hindi na stable ang takbo ng itim niyang sasakyan. Pagewang-gewang na ito sa kalsada.
At ang pinakamasaklap sa lahat…
Nasa parte siya ng kalsada kung saan isang matayog na bangin ang kahuhulugan. Sa ibaba pa nito ay ang napakalalim at napakalawak na ilog, na siyang nagsisilbing boundary ng dalawang tanyag na siyudad sa bayan- ang Brotton at Vestria. Brotton ay siyudad kung saan sila nag-honeymoon, at Vestria, ang siyudad kung saan sila parehong nakatira at ikinasal.
“Ahhhh!” hiyaw niya nang hindi na niya totally maigalaw ang brake ng sasakyan at hindi na rin niya ito maipahinto sapagkat tuluyan na siyang nawalan ng preno!