TINAPOS lamang ni Jove ang mga problema niya sa publishing house saka siya bumalik ng Cebu. Iyon lamang ang lugar kung saan ay nakakapag-relax siya. Isang buwan din siyang nagpakaburo sa Maynila. Nag-rent pa siya ng apartment. Gabi-gabi na naman siyang lango sa alak. Hindi na kasi siya nakakatulog kapag hindi nahihilo sa kalasingan. Pagdating niya sa kanyang resort ay nagulat siya nang may mga pintura na ang hotel niya at kompleto na ang mga bintana. May mga ilaw na rin sa loob. Magmula noong sinimulan ang construction ng resort niya ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap nang personal si Riegen. Si Serron lamang ang nag-uugnay sa kanila. Pagpasok niya sa lobby ng hotel ay may kung anong kumurot sa puso niya nang madatnan niya sina Serron at Jero na nakahimlay sa sofa. Nakaun