"HI!" nakangiting bati ni Cayel kay Darrina pagbaba nito ng kotse. Hindi niya halos nagantihan ang masayang ngiti nito. Sinakop agad ni Cayel ang mukha niya at mariin siyang hinagkan. Mahigpit siyang yumakap sa baywang nito. "How’s your day?" tanong ng asawa habang niyayakap siya. Hindi siya agad nakasagot. Hindi maalis sa isip niya ang pagtatalo nila ni Clyde. Kanina pa rin niya pinag-iisipan ang gagawin ukol doon. Ayaw man niyang sirain ang mood ng asawa ay dapat lang malaman agad nito ang nangyari. "O-okay lang. M-may sasabihin akong importante-" “Gago ka!” Nagulantang na lang siya nang biglang napahiwalay ang asawa sa kaniya. Nakita niya ang paglipad ng kamao ni Clyde. Napahiga si Cayel sa sahig ng garahe. “C-Cayel!” Nag-panic siya at agad dinaluhan ang asawa. Hinawakan niy