NAUNA si Jean na makarating at magparada ng kotse sa parking space sa harapan ng pizza parlor. Magkasunod silang pumasok nito. Inokupa nila ang pandalawahang mesa sa tabi ng glass wall ng kainan at agad din silang nilapitan ng isa sa mga servers. Nagsabi si Jean ng order para sa kanila at hindi naman na siya kumontra. “So how’s your vacation?” simula ni Jean nang iwan na sila ng waiter. “I heard na nagpunta kayo ng beach sa Zambales?” Tumingin siya dito. “It’s fine. Masaya. Kasama namin ni Cayel ang buo kong pamilya.” “You know what? Madalas din kaming mag-out-of-town noon ni Cayel. Dinadala niya ‘ko sa mga magagandang beaches here in Luzon. Pero kami lang dalawa. Hindi kami nagsasama ng ibang tao.” “Yeah, I know. Naikwento nga ni Cayel. Minsan mo daw siyang na-set-up sa isang bakasyon