SA mga sumunod na araw ay nakita ni Darrina kung paano nagsikap na makabawi sa kaniya ang asawa. Marami mang problema sa negosyo, nagawa ni Cayel na balansehin ang panahon sa kaniya at sa trabaho. Pinag-aralan din niyang mag-adjust para sa kanilang dalawa. May mga araw kasi na kahit sa bahay ay nagtatrabaho pa rin si Cayel. Maligaya na lang niyang pinagsisilbiihan ito. Sa abot ng kaalaman ay pinapayuhan at pinalakakas niya ang loob ng asawa. Kaya habang unti-unting natatapos ang mga problema sa restaurant ay naroon siya sa tabi ni Cayel. Sa lumipas na mga araw ay nasanay din siya na ang driver ang kasa-kasama sa kaniyang mga lakad. Kaya sobra siyang na-sorpresa nang isang hapon ay tawagan siya ni Cayel at sabihing nasa labas ito ng unibersidad at sinusundo siya. Makaagaw-pansin hindi l