Pagkatapos ng nangyari sa pool ay binuhat na kaagad ako ni Damon papasok sa loob. Gusto pa nga niya akong dalhin sa hospital ngunit tumanggi ako. Pinagtinginan kami ng mga bisita habang buhat niya ako at paakyat ng hagdanan. Maayos naman na ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at dumating siya. Nakaramdam ako ng hiya sa mga bisita lalong-lalo na kay Mama Karisa. Napatingala na lamang ako sa mukha ni Damon. Para bang hindi man lang siya nabibigatan sa akin. "Salamat." sambit ko habang buhat niya ako at tinatahak namin ang kwarto. Hinalikan niya lang ako sa noo. Seryoso lamang siyang binubuhat ako. Hindi siya sumagot. Halik lamang ang isinagot niya sakin. Pagdating namin sa kwarto ay dumiretso kaagad siya sa banyo. Ibinaba niya ako. "You need to take a shower first." binuksan niya an