Kabanata 23 "Ericka," tawag ko. Napalingon naman ito sa akin. "Bakit po ate?" "Maari bang abalahin muna kita?" Tumango naman ito at lumapit sa akin. Nahuli ko pa ang pag-irap sa akin ng señorita Shaurine. Umismid din ako bilang ganti. Magpakasaya ka lang! Sa akin din naman ang huling premyo! Hinila ko na si Ericka paakyat ng hagdan. "Ate, anong gagawin mo?" "Papasok ako sa loob," sagot ko at itinuro ang pinto ng silid ni Zairan. "Baka mahuli tayo," bulong nito. Umiling ako. "Diyan ka sa labas. Kunwari'y magbabasa ka ng libro pagkatapos ay katokin mo lamang ako sa pinto kapag napuna mo ang pag-akyat ng bruhildang iyon." Napangisi naman ito sa akin. "Ayos po!" aniya. Binilisan ko na ang paghakbang. Nang tuluyang umapak ang mga paa naming dalawa ni Ericka sa ika-dalawang pala