Kabanata 31 "Bago ako nawala ay nagbigay na ng senyales si Luna sa akin. Hiniling ko rin sa kanya na patigilin muna ang pagproseso ng anak natin sa loob ng sinapupunan mo. Palaging may ipinapainom ang inay Lucinda sa iyo na akala mo ay purong dugo. May ritwal akong ginawa para sa iyo. Ngayong nagbalik na ako. Magsisilang ka ng maaga." Napanganga lang ako. "Pasukan ng langaw iyan mahal ko," asar pa niya. Napatikom ako at napanguso. "Huwag mo na akong iiwan ulit," mangiyak-ngiyak kong wika. "Pangako Jeorgie," anito. Muli ay hinagkan niya ako at buong puso ko rin naman itong tinugon. Walang pagsidlan ang aking tuwa habang nakayakap ako kay Zairan. Muli niya akong dinala sa mala beranda niyang silid at halos ayaw niya nang malayo sa akin. Panay ang pagyapos at paghalik niya sa aki