Hindi nakapagsalita si Brianna nang marinig niya ang naging tanong ni Alejandro. Magkaharap silang dalawa at halos kaliit na distansiya lamang ang pagitan sa isa't isa. Sa posisyon nilang iyon ay kitang-kita niya ang ekspresyon na nakasalamin sa mga mata nito. Sa kabila ng galit na nabanaag niya sa mga mata ng kanyang asawa kanina ay hindi niya rin maitatanggi ang pag-aalalang nasilip niya dito nang hindi sinasadyang madaiti siya sa heat sealing machine. Kahit nang nilalapatan na nito ng ointment ang balat niyang napaso ay dama niya iyon. And now, hearing his question made her stopped on her track. "Nagising na lang ako na wala ka na. Halos magwala ako nang sabihin ng papa na umalis ka, Brianna. After everything that I did?" Napayuko siya ng kanyang ulo. Ramdam niya rin na hilam na sa