Karga ni Brianna ang kanyang anak na si Alexander habang naglalakad. Tinalunton niya ang daan palapit sa isang sasakyan na nakahinto hindi kalayuan sa kanto papasok sa kanilang tinitirhan. Pagkalapit sa naturang sasakyan ay agad na binuksan ng lalaking nakatayo sa gilid niyon ang pinto sa may backseat. Brianna got in. Nang makaupo sa loob ay maayos niya ring ipinuwesto ang kanyang anak sa tabi niya. Agad pa itong nagmalikot at waring nasabik na tumingin sa labas ng bintana. Dalawang lalaki ang lulan ng naturang sasakyan, ang isa ay ang driver at ang isa naman ay ang nagbukas ng pinto para sa kanilang mag-ina. "S-Saan tayo tutuloy?" tanong niya sa lalaki bago pa man nito maisara ulit ang pinto ng backseat. "Naghihintay na ho si Sir Ale sa inyo." Binanggit nito ang pangalan ng lugar na p