CHAPTER 64

2106 Words

"Bakit mo ginawa iyon, Alejandro?" agad na wika ni Brianna sa kanyang asawa pagkapasok na pagkapasok niya pa lamang sa opisina nito. Pagkatapos ng naganap na meeting ay agad siyang pinasunod ni Alejandro sa opisina nito para sa kunwa ay pagpapaliwanag sa kanya ng mga magiging trabaho niya. Walang pag-aalinlangan na sumunod dito si Brianna. Gusto niya rin talaga itong makausap tungkol sa ginawa nito. Halos makadama pa siya ng pagkaasiwa nang sundan siya ng tingin ng mga kasamahan niya. Alam ni Brianna na maging ang mga ito man ay labis na nagtataka kung bakit siya ang itinalagang bagong supervisor gayung ni hindi pa man siya nakaka-isang taon sa naturang pabrika. "Alejandro..." tawag niya pa sa pangalan nito nang hindi agad sumagot sa kanya ang asawa. Inilapat ni Brianna pasara ang pint

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD