KUMAWALA roon ang malakas na pwersa at kung hindi raw si Saber napahiga sa hangin ay baka raw natagpas na ang kanyang leeg. “P-paanong?” nasambit niya na mabilis na nagpakawala ng mainit na hangin sa dalawa niyang kalaban. Iniisip nga niya kung ano ang nangyari sa kanyang bola ng enerhiya. Napansin na nga lang niya na parang napakaliwanag at pagtingin niya sa kanyang ibaba ay doon na siya napaseryoso dahil palapit na sa kanya ang binitawan niyang tira kanina. “Naibalik nila?” sambit ni Saber na nang kikilos na ay nakita naman niya na nagliliwanag ang espada ng dalawang biglaang lumitaw sa kanyang daraanan. “Hindi ka namin bibigyan ng karapatan na tumuntong sa palasyo!” bulalas ng dalawa at kumawala ang matalas na hangin mula roon na hinaluan ng talulot ng rosas na itim at pula. Naging pa