Sa lakas nga ni Saber ay nakita niyang ang paligid ay parang nagkakaroon ng bitak. Pati ang kalangitan ay ganoon din at kasabay nito ay ang bigla na lang paglalaho ng lahat ng kanyang nakikita. Sumalubong nga sa kanya ang isang malakas na hangin at pagtingin niya sa paligid ay nahuhulog na pala siya mula sa itaas na nang tingalain niya ay mukhang nagmula raw siya sa mga ulap. Mabilis nga siyang nagpakawala ng enerhiya sa kanyang mga paa at nahinto roon ang kanyang pagbulusok, at ngayon nga ay tumambad sa kanya ang isang lumulutang na malawak na isla sa ere. Sa harapan niya nga ay tumambad din sa kanya ang isang napakalaking puno na umabot ang dulo sa ibabaw ng mga ulap. Lumipad nga siya at pinagmasdan pa ang paligid doon at nakakita siya ng mga bahay na kulay puti sa kung saan-saan. Napa