RHIAN "Itinago namin sa'yo, baby, kung gaano kami ka-obsessed ng Dad mo na makahanap ng eye donor para lang makakita ka." Sa wakas ay paliwanag ni Mommy nang tanungin ko sila tungkol sa totoong nag-donate ng mga mata ko, pagkatapos niyang makabawi sa pagkabigla. Pero hindi siya nagpaligoy-ligoy pa at lalong hindi niya itinanggi. At nagulat din ako sa nalaman. Akala ko noon, buong-puso nilang tanggap ang pagiging blind ko, na okay lang kahit "madilim" ang buhay ko basta mahal nila ako. " Without telling you, marami-raming eye donor na rin kaming nakaharap pero lahat sila ay wala kang ka-match. Until one day, may kumontak sa akin. May gusto raw mag-donate ng eyes niya para sa'yo. Tuwang-tuwa kami noon ng Daddy mo. Kaya nakipagkita `agad kami sa donor nang sabihin nilang urgent ang gagawing

