RHIAN Napatigil ako sa mabilis na paglalakad nang makita kong nagtatakbuhan at nagkakagulo ang mga estudyante, papunta sa likod ng canteen. Pati ang nga guwardiya at iba pang school officials ay nag-uunahan din sa pagtakbo sa nasabing direksiyon. Lalo akong nagtaka at kinabahan nang may narinig akong parang iyakan at sigawan. Sandali kong kinalimutan ang pag-iyak at paghihinampo kay Ehran. Dali-dali akong sumunod sa mga estudyanteng sumusugod papunta sa likod ng canteen. "Oh my God! Ano kaya ang nangyari kay Katie? Bakit siya walang malay at sa likod pa ng canteen?" "Oo nga! At ano ang ginagawa niya sa madilim na lugar na 'yon? Napakaarte n'yon para sumuot kung saan-saan." "Pero ang nakakatakot, girls, mukhang wala na raw buhay si Katie. Hindi raw nagigising kahit anong gawin ng Param

