EHRAN Dumating ang araw ng supermoon, kung saan ay magkikita ang kampo namin at ng Black Kampflens, at lalabas daw ang kapangyarihan ko. I admit na until now ay hindi pa rin mawala ang kaba sa puso ko. Lalo akong hindi mapanatag dahil nalaman naming nasa kamay na lala ng Black Kampflens sina Maya at Professor Didith Santillano na si Queen Mecca nga raw. Ang magandang balita lang, katulad namin ay hindi rin pala nahanap ng grupo nila sina old Father Florencio at Superiur Michael. May kaunting liwanag pa nang dumating kami sa tagpuan. Halos sabay na dumating ang grupo namin. Kaagad kong pinakiramdaman sa paligid si Rhian pero hindi ko siya maramdaman. "Bakit wala si Rhian? Tumupad kami sa usapan. Dala namin ang libro ng pinakamatandang Paranormal Expert,

