Austeja Nakipag-kwentuhan muna ako sa mga kaibigan ko habang hinihintay ang mga inumin nila pine-prepare na ni Yura. Kinailangan ko pa siyang puntahan ulit sa pwesto niya dahil nakalimutan kong sabihin kung anong gusto ng mga kasama ko dahil kay Zigger. Nandoon pa rin naman sila at hindi pa umaalis. Patuloy pa rin niyang kinakausap ang naging f*ck buddy niya sa loob ng tatlong taon. Masaya pa nga siyang nakikipagtawanan sa kanya. Hindi na rin muli pang nagawi sa direksiyon ko ang atensiyon niya, samantalang ako... patingin-tingin pa rin sa kanila. Pare-pareho na silang may iniinom na alak. Hindi na lang rin basta cocktail drink ang kay Sasha. Malay ko ba kung pati iyong 'tail' mamaya ay mawala na. Ang lagkit-lagkit kasi niya kung makatingin kay Zigger. Parang uhaw na uhaw ito sa kanya