Austeja I should've asked Hannah for an update about her brother's life—especially about his love life. Para kung sakali sana, hindi na ako nabibigla. Iyon siguro ang mali ko. Hindi ako nagtanong tungkol sa kamya. Iniwasan ko dahil hindi naman sumagi sa isipan ko na babalik kami rito. Oo, may mga pagkakataong pinaglalaruan ako ng imahinasyon ko, lalo na kapag nakapikit ako. Gumagawa ng sariling senaryo ang utak ko na hindi sinasadyang nagkita kami sa kung saan, biglaang nagkasalubong sa daan...mga senaryong hindi naman nangyari sa loob ng mga lumipas na taon, subalit binigyan ako ng mga panic attacks. Sa imahinasyon ko, sinusumbutan niya ako, galit siya sa akin—pero alam kong may pakialam pa siya. Ngunit sa nakikita ko ngayon, tama talaga ang hinala ko na natanggal na niya ako sa siste

