Tumakbo ako nang tumakbo, nakakapagod! Iyak din ako nang iyak, totoong pakakawalan ko na siya, pero hindi iyon madali para sa akin. Sino ba ang makakamove-on ng isang araw lang? Wala, diba? Unless, hindi ko siya minahal. In my case, mahal ko siya, mahal na mahal hanggang ngayon. Umupo ako sa isang bench na nakita ko, napatanga ako sa langit. Ang dami nila ngayon, mga bituin, uulan ba? Sa pagtingala ko ay bumagsak ulit ang mga luha ko, kanina, alam ko, ramdam ko na mahal niya ako. Kitang kita ko sa mga mata niya kung paano niya akong tingnan, kung paano nalungkot at nasaktan siya nang sinabi kong ayaw ko na, na tanggap ko na na wala na kami. Na wala na akong babalikan sa kanya, 'yung paghawak niya sa kamay ko. Parang ayaw niya akong umalis, pinipigilan niya akong umalis. Kaya lang buo na