Isang linggo na akong hindi pumapasok sa trabaho at isang linggo na rin akong sinasamahan ni Petrus sa condo. Nagmakaawa siyang huwag ko siyang iwan at dahil mahal na mahal ko siya ay binigyan ko siya ng pagkakataon. Inamin niya rin sa akin na naoperahan ang kapatid niya sa bato kaya mismong Daddy ko ang nag-alok ng tulong. Wala rin daw kinalaman ang pagtulong ni Daddy kung bakit niya ako niligawan. Nagkataon lang na nalaman ni Daddy ang tungkol sa kapatid niya. Pero iyong pakiramdam na parang ako pa ang sampid sa relasyon nila ni Salme ay ang hindi ko matiis. Parang ako ang nang-agaw kahit kami ang nagsasama. Pinatawad ko man siya pero hindi ko maalis sa aking isipan ang ginawa niyang pagtataksil sa akin. Kahit na ano'ng gawin ko ay hindi ko kayang makalimot. Buong linggo n