Maria's POV Ang sakin lang naman ay gusto ko ng mga taong magmamahal sakin ng totoo. Yung tunay at hindi nagpapanggap. Gusto ko ng buong pamilya. Gusto kong makilala ang tunay kong ama. Ngunit sa sitwasyon namin ngayon ay masyadong mahirap tanggapin. Ang tatay-tatayan ni Alas ay pinatay ng tunay kong ama. Wala na bang mas hihirap sa sitwasyong ko na'to? Bakit lagi nalang ipinagkakait sakin ang lahat? Ilang ulit ko na itong natanong, wala ba akong karapatan na sumaya? Wala bang puwang sa buhay ko ang kasiyahan? Bakit? Bakit ganoon? Napaka-makasalanan ko bang tao para mangyari sakin ang lahat ng ito? Ang ginawa ng nanay kong kasalanan ay dapat bang ako ang umako? Isang putok ng baril ang umalingawngaw na nakapagpatili sakin. Nagkagulo ang lahat at sunod-sunod ang mga putok ng baril kung