Kabanata 41 “May kalayuan talaga ang factory mula sa tinitirhan n’yo, ‘neng,” tugon sa akin ni Mang Ernesto nang tanungin ko siya tungkol sa distansya ng factory. “Kaya nga sinabi ko kina senyorito na kung maaari ay may sasakyan sila para hindi sila mahirapan sa pagpunta roon, pero ang sinabi ni Senyorito Caden ay sapat na ang kabayo,” paliwanag niya sa akin. “Kaya naman ay bukas na bukas din ay pupunta kami sa rancho para mamili ng kabayo na para sa kanya.” “Rancho?” tanong ko dahil hindi ko lubos akalaing may rancho pala sa hacienda. “Oo. Hindi mo ba alam na may rancho sa hacienda?” tanong niya sa akin. “Medyo may kalayuan nga lang ‘yon dito. Doon nagmumula ang mga patabang ginagagamit dito sa taniman. Ang Hacienda Consunji ang pangunahing supplier ng karne ng baka rito sa lugar nati