Kabanata 40 Bawat araw na lumilipas ay mas lalo akong nakukumbinsi na na-engkanto nga yata ang kambal. Paano ba naman ay tumutulong na sila sa mga gawaing bahay kahit papaano. Si Hayden ay tumutulong sa akin sa pagluluto. Marunong na siyang gumamit ng rice cooker, electric heater, mag-on ng stove, at mag-prito. Napakaliit na bagay pero tuwang-tuwa na siya at proud na proud pa. Achievements ‘daw’. Napapairap na lang ako sa hangin dahil mukhang gusto pa yatang sabitan ng medal, eh kahit six years old na bata ay kayang-kayang gawin ang ginawa niya. Hinayaan ko na lang dahil baka iba ang lebel ng kaligayahan ng mga mayayaman. Habang si Caden naman ay pasimpleng tumutulong sa paglilinis. Siya na ang naglilinis sa kwarto niya at nagwawalis na rin siya sa loob ng bahay. Wala siyang kahit na a