Kabanata 39 Caden’s Point of View Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni Hayden. I couldn’t help but feel irritated after getting my peaceful sleep interrupted. Ngayon nga lang ako nakatulog nang maayos matapos ang ilang gabing putol-putol ang tulog ko tapos sisirain lang ng walanghiyàng kambal ko? I grumpily got out of bed. Kuyom-kuyom ko ang kamao ko at handang-handa na akong suntukin siya nang makita ko si Lalaine na nagmamadaling pumunta sa kusina. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong nagtago. I waited for a minute before I decided to come out and see what’s happening. Pero natigilan ako sa nakita ko. Nakapatong ang baba ni Hayden sa ulo ni Lalaine. He even held her on her shoulders while she’s cooking and mumbling something I couldn’t hear. Hayden is sm