Kabanata 38 Kinabukasan ay maaga kaming umalis sa mansyon dahil kailangan na naming bumalik sa taniman. Ilang araw na kasing hindi nagtatrabaho ang kambal at mukhang nalaman ‘yon ni Ma’am Georgina kaya tumawag yata kagabi at pinagsabihan ang mga anak niya. “Manang Helen probably told mum about it,” maktol ni Hayden habang nakasimangot siyang nakasandal sa upuan. “I told her not to tell mum everything.” “She’s loyal to mum and dad, Hayden,” walang ganang sagot ni Caden. “She only listens to them, not to us.” “Well, it’s not like we skipped work. Hindi lang talaga tayo makapagtrabaho dahil wala si Laleng,” aniya kaya napatingin ako sa kanya mula sa salamin ng sasakyan. “Unlike you, I can work without her,” sabi ni Caden at kita ko kung paano mamilog ang bibig ni Hayden. “Sinungaling!