Kabanata 37 Mabilis na lumipas ang oras. Tila isang pikit lang ang dalawang araw at ngayon ay kailangan ko nang bumalik sa hacienda para muling magtrabaho. Tunay ngang kapag nai-enjoy mo ang bawat sandali ay mabilis itong lumilipas. Sa loob ng dalawang araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang makasama ang pamilya ko. Binilhan ko ng bagong damit at tsinelas ang mga kapatid ko at gamot at ibang pangangailangan naman kay Mama. Sa bawat waldas ko ng pera ay walang ibang sinasabi si Mama kundi paano ako; kung may natitira pa ba para sa sarili ko. At sa bawat tanong niya at pawang kasinungalingan ang sagot ko. Sa totoo lang ay isang daan na lang at iilang coins ang natitira sa pitaka ko, pero wala akong pakialam. Masaya ako sa ginawa ko dahil masaya ang pamilya ko. May susunod pa naman. Sa