Kabanata 36 "Mag-iingat po kayo, Manang Helen," nakangiting sabi ko nang tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan ang kambal at si Manang Helen. Ayaw pa sanang umuwi ng kambal pero kailangan na dahil tapos na ang visiting hours at gagabihin na rin sila sa daan. "Ikaw rin, hija. Sulitin mo ang dalawang araw na leave mo," nakangiting tugon niya sa akin. "Oh siya, aalis na kami." "Enjoy your time with your family, especially with your mum," sabi ni Hayden na nakasilip sa bintana ng sasakyan. Katabi niya lang si Caden na nakatingin lang sa akin. "We will be waiting for your return." "Salamat po," kaswal na sagot ko sa kanya dahil hindi pa rin ako komportableng makausap siya dahil sa pinag-usapan namin kanina. Kumaway akong muli sa kanila nang tuluyang umandar ang sasakyan. Hinintay ko lan