NAKITA ko rin sa wakas na gising si Caroline paglabas ko ng guest room kinaumagahan. Nasa living room sila ng yaya niya at nakasakay ang anak ko sa stroller nito. Dali-dali akong lumapit. Hindi ko na napigilang kargahin siya at yakapin. “Good morning, my princess!” Then I kissed her cheek. Tumingin sa akin ang inosenteng mga mata ni Caroline. She’s turning one pero, tingin ko ay malaking bata siya kesa sa karaniwan. Kamukha niya ang Mommy niya pero, may nakuha rin naman siya sa akin kahit paano. “Good morning, Hijo! Aba at magkasundo pala kayo ng aming apo? Bihira ‘yang makarga ng ibang tao. Umiiyak kasi agad.” Ngumiti ako. Gustong-gusto kong masabi sa Mama ni Annie na anak ko si Caroline kaya malabong iiyak ito sa akin. Hindi ako ibang tao. “Good morning!” Napaangat ako ng tingin sa