“MAGKAKILALA ba kayo?” takang-tanong ko sa dalawa. I could not remember any instance when Daniel and Jeff had met. Naalala ko lang na nabanggit ko minsan kay Jeff ang tungkol kay Daniel noong mag-on pa kami but, there was never a time that they were introduced to each other. Even after Daniel found out about my pregnancy, hindi ko rin nabanggit ni minsan dito ang tungkol kay Jeff. Kahit nga ang pangalan ni Jeff ay inilihim ko rin. Natigilan si Daniel sandali bago marahang natawa. “Uh… no! I’m sorry, I just mistook him for someone else. Sino ba siya, kamag-anak n’yo?” “Kaibigan ko si Jeff, Daniel.” Si Andres ang sumagot sa matabang nitong tono. “Kilala na niya ako,” sabat naman ni Jeff at nilingon ako. “Nagkita na kami dati.” Nagusot ang noo ko. Si Andres ay napapataas lang ng mga kila